Sabado, Pebrero 26, 2011

Ang Babaeng Palakaibigan




Ang Talambuhay ni Camille “Camz” B. Chozas, IV- Science

Noong ako'y sanggol
Oktubre 7, 1994, ipinanganak ako bilang si Camille Bienvenida Chozas. Inaruga, minahal at pinalaking mabuti ng aking mga magulang na sina Arnold Custodio Chozas at Amor Bienvenida Chozas. Ako ay tumatayo bilang pangalawang panganay sa aming apat na babaeng magkakapatid. Namuhay ako sa piling ng aking butihing pamilya sa marangal na pagtatrabaho ng aking ama bilang isang jeepney driver na tumatayong haligi ng aming tahanan at ang aking ina bilang ilaw ng tahanan.
Ang Aking Pamilya
Nagsimula ang aking makabuluhang kwento ng buhay ng matamo ko ang pagiging bata, mga karanasang nakakatuwa, nakakaaliw at di malaman kung kinakailangang kayamutan o kainisan.
Bata pa nga siguro ako noon, lubos kong kinatatakutan ang mga aso at tuta. Masaya sana ako bababa sa hagdanan ng bahay ng aming Lola upang bumili ng matatamis na kendi nang mayroong humarang na tuta sa aking bababaan, napahakbang ako sa takot ng dalawang baiting sa hagdan pataas dahil sa tahol ng tuta at sa malas ay napasala ang aking tungtong. Dire- diretso akong nahulog pababa sa hagdan at sanhi nito ang pagkakaroon ko ng hiwa sa aking kanang tainga. Mula noon, naging maingat na ako sa mga aso upang di  na mangyaring muli iyon.
Ako, si NiƱa, Teteth at ang aking Mama
          Sinikap akong mapag- aral ng aking Mama sa Kindergarten at Day Care upang paunti- unti ay ay matutunan kong magbilang, bumasa at sumulat. Natatandaan ko pa noon, halos ilang beses ko bago masaulo ang spelling ng “Daddy”, kapag hindi Dadi,Doddy  o kaya naman ay Dodi. Kahit hirap man ako sa pagi- ispelling, natuto rin ako at nakagraduate ng may karangalan. First honor ako at si Mama ang nagsabit ng medalya sa akin.  Sa katunayan, mahirap man para sa akin ang isulat ang salitang iyon, mahilig at marunong din akong magdrawing. Naipanlalaban ako noon sa mga paligsahan ng pagguhit sa mura kong edad na apat hanggang limang taon. Hilig na hilig ko noon ang pagguhit ng mga larawan. Siguro noon, hindi pa uso ang mga drawing book kaya iginawa ako ni Mama ng improvised na drawing book. Lalo kong naipag- ibayo ang aking talento hanggang sa ako’y tumuntong sa unang antas ng elementarya ngunit hindi na muli akong sumali sa mga paligsahan.
Ang aking Ate at Ako
          Grade 1, Seksyon B, pangalawa sa pinakamataas na seksyon sa Paaralang Central sa Lungsod ng San Pablo. Isang kakatuwang pangyayari nang ako’y maospital. Pauwi ako noon sa bahay ng aking Lola upang mananghalian. Magkakasabay kaming kumain ng aking Lola at Ate. Nakakita ako ng pritong manok sa taguan ng ulam, kinuha ko ito at hinugasan dahil nilalanggam. Dahil sa sobra kong paborito ang manok ay sarap na sarap ako sa pagkain nito ngunit hindi ko alam na panis nap ala ito. Naramdaman ko nalang ang pananakit ng aking tiyan at pagsusuka habang ako’y kumukuha ng pagsusulit. Napauwi ako ng wala sa oras at agad akong isiniguod sa ospital sa sobrang pag- aalala sa nangyari sa akin. Iyon ang pinakauna at isa sa dalawang beses na ako ay naconfine.
          Nakakatuwa isipin na sa mura kong edad, naipahamak ko ang aking sarili dahil lamang sa di ako marunong umalam kung ang pagkain ay panis o hindi.
          Mahirap din pala na mapasama sa mga taong may matataas na lebel ng pag- iisip, yun bang mga matatalino. Simula noong nasa ikalawa akong baitang. Natuto akong gumising ng madaling araw upang mag- aral dahil sa aking paniniwala na madaling makakapagsaulo ng mga aralin kapag fresh ang utak at pag- iisip natin.
          Isa namang kagulat- gulat ang at nakalulungkot ang gumibal sa aming pamiya ng masunog ang bahay ng aking Lolo’t Lola, kung saan ako’y namamalagi. Nobyembre 24, 2004, nasa paaralan ako ng aking mabalitaan at makitang nasusunog na pala ang mga bahay, damay pati ang bahay namin pati na rin ang ilang mga pag- aari. Buti nalang may mga taong handang tumulong at bukas- loob na nagkaloob sa amin ng aming mga pangangailangan. Naranasan ko ang matulog kasama ang ibang tao sa loob ng silid-aralan ng paaralang malapit sa mga nasunog na bahay at napagtanto kong napakapalad pa rin namin dahil walang nasaktan sa naturang aksidente.
Graduation Day
          Hindi naging hadlang ang pangyayaring ito. Lumipas ang ilang taon, lalo kong pinagsikapan ang aking pag- aaral at mabuhay ng marangal. Pinilit kong makaahon at sa anim na taon kong pag- aaral sa elementarya, isa ako sa mga naging Achiever ng aming paaralan sa aking pagtatapos at si Mama ang nagsabit ng medalya sa akin sa entablado.
          Matapos ang anim na taong paggugol sa elementaraya, isang panibagong buhay naman ang aking pinasok, buhay ng isang estudyante sa pampublikong paaralan sa hayskul.
Ang Blue Team
          Unang araw ng pasukan, hanapan ng bagong kakilala at kaibigang makakasama. Napabilang ako sa pinakamataas na seksyon ng unang antas ng sekondarya sa kagustuhan na rin ng aking Mama. Hindi man naging madali para sa akin, di nawala ang aking  pagsisikap at naging seryoso ako sa pag- aaral upang taun- taon ay masabitan ako ni Mama ng mga medalya. Naging mahirap sa akin ang makihalubilo kahit tatatlumpu’t apat kami sa aming seksyon. Doon ko nakilala si Claire, isa sa naging matalik kong kaibigan. Itinuring kong nag- iisang best friend sa hayskul nang mawalay ako sa aking best friend noong elementary na si Charina. Masaya kaming dalawang nagkukuwentuhan, umuuwi ng gabi kapag magkokompyuter sa paggawa ng mga projects at assignments. Nalungkot ako noon ng di kami nagkaintindihang dalawa. Mayroong di napagkasunduan kaya matgal- tagal ding di nagpansinan at nag-imikan. Iba na talaga pag masyadong sineryoso ang mga bagay- bagay.
          Siyempre di din natin maiiwasan ang magkaroon ng mga hinahangaan sa iskul. Naku, si PJ na sa paningin ko ay sobrang guwapo ay naging crush ko, yun nga lang di ko na siya naging kaklase noong third year.
          Nang magsecond year ako, napalapit ako kina Mariz, Claire, Bernadette, Maan at Reginae. Kami ang mga miyembro ng BLUE TEAM, sama- samang nagtutulungan at masayang lumalabas.
Sina Althea, Jorgina at Ako
          Hinding hindi ko makaklimutang ang naging kaklase kong si Jorgina. Ayaw man ng iba sa kanya dahil sa iba ang kanyang lahi ay hindi ito naging hadlang upang kami’y maging magkaibigan. Sa kanya ko lahat- lahat nasasabi ng aking mga problema. Ibinabahagi niya rin sa akin amg mga problema niya sa kanyang pamilya. Nang lumipat siya ng iskul na papasukan, na- realize ko na nakakamiss din pala siya.
          Sa apat na taon kong pakikisama sa aking mga kaklase, wala akong masyadong naging malapit na kaibigang lalaki kundi tanging si Genard. Pebrero 14, 2009, masaya kaming nagdiwang ng isang Valentines party. Naging malapit ako kay WGV sapagkat kami ang naging magkapareha ng araw na iyon. Kakatuwa mang isipin ngunit siya pa rin ang naging first dance ko sa JS Prom namin noong 2010.
          Masasabi kong ako ay ang taong palakaibigan, mapagmahal, masunurin sa mga magulang na kung minsan ay tamad, masayahin at maraming kalokohan ngunit minsan ay sobra ang katarayan. Sa kabila ng lahat ng ito, isa akong napakasipag na mag- aaral. Sa masayang bahagi ng buhay ko, nakatago ang kalungkutang nais kong maibsan. Lumaki akong nakahiwalay sa aking mga magulang. Lumaking iginugol ang lahat ng oras sa pag- aaral sa pagsusumikap na maiahon sa kahirapan ang aking pamilya na naging sanhi ng aking kapansanan sa likod.
          Sabi ng doktor nang ako’y magpakonsulta, maaari raw na namana ko ito o kaya naman daw ay dahil sa aking sariling kapabayaan. Hindi na raw muling maibabalik sa dati ngunit maiiwasan ang paglaki ng kanang parte nito kung gagawin ko ang mga wasto at nararapat gawin. Ipinayo sa akin ng aking tiyahin na masmakakabuti kung tumigil muna ako sa pag- aaral ngunit ilang buwan na lamang noon ang natitira at malapit na akong magtapos ng hayskul. Hindi ako nawalan ng pag- asa at pinayagan nila akong maipagpatuloy ang aking pag- aaral. Naniniwala naman ako na hindi ako pababayaan ng Panginoon sa lahat ng oras at umaasang magkakaroon ng himala. Wala ng masamang umasa di ba?
Ang aking mga kaklase simula ng First Year
          Pinagsumikapan kong mag- ehersisiyo, payo ng dokotr. Uminom ng mga bitamina araw- araw at kumain ng mga wastong pagkain. Bago ako pumasok sa paaralan tuwing umaga ay inugali ko na rin ang magbaras dahil ito lamang ang mga paraang makakapagpalakas ng aking kalooban, kalusugan, at pangangatawan.
          Ngayong Fourth year, nakakilala ako ng ng mas maraming kaibigan bukod sa aikng mga kaklase. Naisip kong di lang pala dapat ako dumipende sa aking sarili kundi pati na rin sa ibang tao.
          Hindi ko pinakamakakalimutan ang buhay ko sa S.Y. 2010- 2011. Ito ang panahong naging president ako n gaming klase upang mamuno sa mga di ko kasasawaang mga kakalse sa simula’t simula na kami’y naging magkakakilala, ang pagsasamahang nagpakilala sa bawat isa, ang walang sawang pag- iikot sa oval habang nagkukuwentuhan, ang paghahatid sa akin ng mga mahal kong kakalse sa gate na aking inuuwian at ang pagkakaibigang nagdadamayan na walang ibang makakapantay.
Graduation Picture
          Lahat ng ito ay magsisilbing alaala na mula sa aking pagkabata ay dadalhin ko hanggang sa aking pagtanda. Ito ang mga ala- ala at pangyayaring di mabubura sa aking isipan kailanman sa pakikihalubilo ko sa mga taong naging mahahalaga, naging parte at bumuo ng paunti- unti sa mga kabanata ng aking buhay. 

Lunes, Pebrero 14, 2011

History of My Blogs Name

 Courtesy of: http://www.doobix.com
                        

        "Angels are the loving presence of God... they are the messengers of God and carry God's grace to us in ways that we can directly experience and relate to. Angels bring us very personal and precise assistance that we can immediately receive and act upon.

I always make someone to smile when there were hardships on their lives. I’ll go out of my way to perform an unexpected act of kindness for someone I don’t even know. But the time came upon and I was the one who was unhappy, uncontented and seems down. No one helps me and makes me feel to be happy. I decided to walk alone and stay at a corner of our house because I can’t even understand what unexplainable experience I had felt. I looked around, took notice of things, considered how I felt about my condition then, after several hours God did not leave me alone in the dark. He was able to examine my situation and gave me a sincere compliment to someone who seems down and it was I, who have faith on Him. He told me how special I am and how deeply He love and care for me.

It was an unmemorable day when I awoke and suddenly realized that this was the best day of my life ever. There were times when I wondered how I would make myself be happy and contented of being what I am now, but I did and because I did, I celebrated it for an unbelievable  life I have had so far, the accomplishments, the many blessings and yes, even the hardships.

        I was so happy that day because God has given me a best friend in his magical ways, a best friend who brighten my days in all kinds of wonderful. I was so thankful on the gift given to me from above who surrounded me with warm and caring love.

Courtesy of:pagedeclasse.recit05.qc.com
I treated my best friend so much. Everyday, I always text him to ask if he’s fine, if he eats his breakfast, lunch and dinner and even if he’s happy or not. I always greet him in morning, afternoon and evening. I always congratulate him on the contests he was joining for and even if he loose or not. I made him happy not to be seems down. I treated myself to be his angel, an angel who will be strong enough, will survive and protect him no matter what he do and will be there in time of need and never leave as long as he believe.
                                                    


I was contented of being his second   best friend even just on text, because I could not speak on him personally. I don’t know why I was like these because may I just ashamed and shy on hm.

But the time came that I had realize that the reason why I felt these feeling is because I fell in love with him. I was worrying and I don’t want to say it to him. I was actually hurt when I knew from him that he was fall in love with my friend. I did not expect it, but I don’t have the right to make his heart stop loving that girl.

If I would just to be a real angel without knowing that I am surrounding him no matter as he go, I will. If I would have the braveness on my lips to speak with him personally, I will and if I will have the chance to be with him again, I will stay forever. But I couldn’t, because I don’t want to change the way he treats me as his thoughtful and loving care best friend.


I’d remember that to worry is just a waste of time because my faith in God and His divine plan ensures everything will be just fine. I am here on earth to learn acceptance. Acceptance of everything life throws at me, all good and all bad. Doesn’t mean you don’t want to defeat it or make bad things good, but sometimes we have no control at all over it. That’ s when you have to acceptance you have no other choice.

And that day, before I went to my bed, I’d went out and raised  my eyes to heaven. I stand in awe at the beauty of stars and the moon, and I praised God for these magnificent treasures.

As the day ended, I lay my head down on my soft pillow and I had thank Our Almighty for the best gift He was given to me. And I will sleep just as contented from what I had received and be excited with another glorious day going to be the best day of an angel like me.

I’m a Responsible Netizen

         Nowadays, too young and even too old people know hot use the internet, because it is very useful to everyone. Usually, everyone used it for many purposes just like enjoying and playing online games which the teenagers are addicted and wasting their moneys without significance. Some used internet to find friends, for online businesses to earn money and communicate to their loved ones in abroad or in far places. Others used it to post their compositions they wanted to share with and they want to express the things happening in our world. And in fact, student like me used internet not just to have fun but to learn more, to research and to do assignments, projects and reports needed on studies.
When I think of citizenship on the web, it is not in the conventional "national citizen" sense. Rather, citizenship takes on a broader, and perhaps equally important, meaning: internet citizens ("netizens" as Michael Hauben dubbed us) are people who have a stake in the evolving content and character of the web. In this sense, internet users are citizens in a world of ideas, participants in an ongoing knowledge and value (in the "societal values" sense) creation experiment. Although language, technology access and literacy, and censorship still represent barriers for some, the conversation is increasingly global.
Courtesy of http://wn.com/computing
An Internet user is the one who is trying to contribute to the Internet's use and growth. As a powerful communications medium, the Internet seems to offer great possibilities for social change. It also creates a new culture and its own special issues, such as who shall have access to it. The implication is that the Internet's users, who use and know most about it, have a responsibility to ensure that is used constructively while also fostering free speech and open access. A netizen or cybercitizen is a person actively involved in online communities.
I know in myself that I am not really addicted and abused the importance of the internet. Although, sometimes I loved to open my friendster and now, my facebook account during my spare time after I finished and complete what I am researching to have fun. Simultaneously, people should be doubtful because during they would rent PC’s on computer shops, they would spent fifteen to twenty pesos per hour for unworth things than liking a craving of a significance and save money.
            Internet provides people to learn more and be updated on the improvement of our technology. These could help because it does not choose the age of the user to use him although some websites have their qualifying age to sign in or to visit.
Courtesy of http://www.istockphoto.com
            As an internet users though we were and very interested and fond to use the internet we should have our own obligations meaning when the time came in that we need  to use the  internet. Obligation meaning responsibilities to do for behaving in proper online or simply netiquette. This is needed to minimize our mistakes and to make and have   friends. Recently, I’d used the internet to search about how to be a responsible netizen and base from it, each of us should follow and obey the five basic rules including:
1.      “Remember the human”. Be yourself even if only the computer screen is front of you. Remember that you might offend people without meaning to.

2.       “Adhere to the same standards of behavior online that you follow in real life”. Standards of behavior in some areas are different however they are not lower than in real life.

3.       “Know where you are in cyberspace”. You must the areas to avoid waste of time that takes a look around.

4.      “Respect other people's time and band with”. Avoid spending too much time sitting at the computer.

5.      “Make you good online. Don’t use languages that can be offend someone. Pay attention to the content of your writing. Be sure you know what you're talking about when you see yourself writing.

I know that there’s no such bad things that everyone is being fond in using the internet to develop their better personalities, talents and skills but too much using of it may affect our everyday life that may bring us to addiction. Enjoying and using it on efficient ways without reading and watching pornography and citing  nude photos  would  lead us to be a responsible netizen.

Salpukan ng mga Titans (Clash of the Titans)

Courtesy of: http://www.angelicdreamz.com


                Ang istorya ay nagmula sa kwento ng mga Titans, sila ay nabuo  sa pamamagitan ng kanilang  mga anak na sina Zeus, Poseidon  at Hades nang makumbinsido ni Zeus  si Hades  na lumikha ng  isang halimaw  na nilalang   na pinangalanang   Kraken. Si Zeus ay   nagging pinuno ng langit , si Poseidon ay nagging hari ng  dagat at karagatan at si Hades naman ay naiwan upang mamuno sa underworld at lumikha sa sangkatauhan ngunit  dumating  ang panahon na ang sangkatauhang kanyang nilikha ay natutong magtanong sa mga diyos  na naghahari.
                 Isang libong taon ang lumipas, isang mangingisdang  nagngangalang Sypros ang nakakita sa lumulutang na isang sanggol at isang inang wala ng malay sa dagat. Dahil buhay pa ang sanggol ay ay nampon niya ito at itinuring na para niyang tunay na anak at binigyan ng pangalang Perseus. Ilang taong ang lumipas, lumaki ang  si Perseus. Habang namamangka kasama ang kanyang pamilya ay nakita nilang ang isang grupo ng mga sundalong sumisira sa  estatwa  o rebulto ni Zeus bilang pagpapawalang- galang    at pagpapahiwatig ng hamon ng paglaban mula sa mga diyus- diyusan.
Courtesy of http://screenrant.com
                Nagpakita si Hades at buong- pwersang inilabas ang galit sa pagsira sa mga bangka ng mga nakasakay at dahil dito’y napadamay ang bangakang sinasakyan ng kanyang pamilya. Nalunod ang mga magulang  nito at tanging  siya lamang ang nakaligtas. Nang makita siya ng mga sundalo ay dinala siya ng mga ito sa Argos. Sa harap ni Hari Cepheus at Reyna Cassipeia sa panahon ng kanilang pagdiriwang ng pakikidigma sa mga diyos.
                Ang hari ay gumagawa ng mga mayayabang na pahayag sa  kawalang-galang sa mga diyos at ang reyna naman ay pilit na ikinukupara ang babaeng anak na si Andromeda sa maganda at kahanga- hangang diyos na si Athena.
Courtesy of http://movies4u.ru
                Lubhang nagalit si Zeus na nagbigay sa impyerno ng pagkakataon upang lumitaw sa harap ng kaniyang kapatid sa bundok ng Olympus. Nakipagtalo si Hades at sinabing “ang diyos ay dapat kumilos sa paghihiganti laban sa mga pag- aalsa ng sangkatauhan” at kinumbinsi nito sa Zeus na payagang   sirain ang Argos. Lumitaw si Hades sa hukuman at pinagpapatay ang mga natitirang sundalo habang pinatanda nito ang reyna hanggang umabot sa bingit ng kamatayan. Nagbanta rin ito  na kung ang Prinsesang si Andromeda ay hindi maghahain ng pampalubog sa mga diyos sa loob ng sampung araw ay pupuksain niya ang Argos sa pamamagitan ng Kraken. Ipinakilala niya bilang isang kalahating diyos si Perseus.
Kaagad naming binalita ng diyos ng mga mensahe na si Hermes kay Zeus na nabubuhay pa ang anak nito sa Argos. Tumangging protektahin nito ang anak hanggang may matutunan siya rito.
Ikinulong ng hari si Perseus  dahil hindi nito ipinagtanggol ang Argos laban sa mga diyos. Si Io ay nagpakita kay Perseus upang ipakita at ipaalam ang tunay nitong pamilya. Nagpalit ng anyo si Zeus bilang si Acrisius upang parusahan ang bharis a pagkakaroon niya ng sariling digmaan sa mga diyos.
Matapos niya noong itapon ang kanyang mag- ina sa dagat ay nagpalit- anyo siya bilang si Acrisius  na nagtataglay ng ng kidlat na nakapagpabago sa anyo nito. Sinabi nitong hindi siya tumanda dahil sa paghahamong makipaglaban kay Poseidon. Matapos niyang  mapag- alamang ang pagpatay sa Kraken ay magpapahintulot sa kanya upang magkaroon ng kanyang paghihiganti laban kay Hades dahil sa pagkamatay ng pamilya nito. Sumang- ayon si Perseus upang ang maharap ay ang Stygian witches. Sila ay sumali sa pamamagitan ng isnag pares ng mga halimaw na mangangaso na sina Ozal at Kukuk.
Nahanap ni Hades si Acrisius at nagpakita ng kanyang plano upang  gamitin ang Kraken sa paglubog ng Argos sa gayong pagpapalakas ng kanyang  sarili at sa pagkakaroon ng paghihiganti laban kay Zeus para sa pagtataksil nito matapos ang laban ng mga Titans. Binigyan ni Hades si Calibos ng kapangyarihan upang patayin si Perseus.
Habang nasa kagubatan, natuklasan ni Perseus ang isang  tabak na imitasyon sa Olympus, pati na rin ang sagradong Ganado ni Zeus na isanglumilipad na kabayo, ang Pegasus.
 Ito ay ang mga proteksyon niya na ipinagkaloob ng mga diyos  subali tinanggihan niya rin ang magng isa sa mga diyos. Inatake ni Calibos ang grupo at pinagtangkaang patayin si Perseus subalit naputol ni Draco ang kamay nito. Ngunit ang dugo ni Calibos ay nakabuo ng isang malaking scorpion mula sa buhangin na umatakeng muli sa grupo na nagging sanhi ng maraming pagkamatay maliban kina Draco, Solon, Eusebios at Ixas.
Ang mga nakaligtas ay dahil sa mga Djinn, isang pulutong ng mga dating taong Shamans na nagging demonyo ng Arabian mythology sa pamamagitan ng kanilang  mga itim na mahika. Noong una ay walang tiwala  sina Draco sa mga ito  ngunit ito’y nagbago ng Makita nilang ginagamot ang kasamahang si Perseus n glider na si Suleiman. Sinabi ni Suleiman  na ang tanging paraan upang matulungan si Perseus ay sa pamagitan ng pagtatrabaho nila ng sama- sama. Lumahok ang Djinns a grupo  ni Perseus sa pagnanais na Makita rin ang mga diyos.
Ang mga bayani ay naglakbay  upang bisitahin ang Stygian witches at sinabi na ang solusyon ay manggagaling sa ulo ni Medusa na makakapatay sa Kraken sa pamamagitan ng pagiging bato nito  kapag lumaon. Binalaang ang grupo ni Perseus at ng mga  Djinn ay mamatay sa isang  proseso maliban kay Suleiman kaya’t kinakailangang lisanin na niya ang mga ito. Sina Ozal at Kukuk ay umalis na rin sa kadahilanang hindi sila makakalaban sa Underworld. 
Binisita ni Zeus si Perseus at inalok na kupkupin upang maprotektahan  ngunit siya’y tinanggihan. Sa kabila nito ay ibnagay dito ang  gintong drakma bilang isang paraan upang masuhulan ang Charon upang makadaan sa Sheol.
Courtesy of http://200movies1woman.com
Sa labanan nina medusa, binaril ni  Gorgon si Solon at ito’y namatay. Ginawa namang bato ni Medusa si Ixas at Eusebios, sabay sinunggaban ng matapang na si Perseus sa tulong ni Suleiman na pinagpuputol  ang ilan sa mga ahas sa ulo ni Medusa. Habang si Draco ay isinakripasyo ang  kanyang sarili upang makapaninggab  si Perseus. Mula sa underworld, nakita ni Perseus   si Calibos na susunggaban si Io. Matapos an gang isang maikling duwelo ay apinatay nito ni si Calibos  gamit ang armas na nakuha niya sa Olympus. Sa huling hininga ni Calibos ay ipinakiusap nito na huwag siyang papayag upang maging isa sa mga diyos. Pinagmasdan ni Perseus ang pagiging pulbos na ginto ni Io at tumuloy sa Argos dala ang nakuha nitong ulo ni Medusa.


Courtesy of http://connect.in.com
Sa Argos, sa pagsamba ni Hades ay kanyang inialay si Andromeda sa masamang Kraken. Sa pagpapakawala sa Kraken ay ibinunyag ni Hades  na ang pagsira ng Argos ay magbibigay sa kanya ng sapat na kapangyarihan upang ibagsak ang iba pang mga Olympians at mapatalsik sa katungkulan si Zeus sa pamamagitan ng kanyang paghihiganti. Ibinunyag naman ni Zeus na si Perseus ay nanatiling buhay sa Argos. Bagaman nagpadala na si Hades ng masugid na tagasunod nito upang patayin si Perseus , hindi ito nagging balakid upang gawing bato ang Kraken gamit  ang makapangyarihang ulo ni Medusa at mailigtas si Andromeda. Nagpakita si Hades kay Perseus ngunit wala itong magawa upang mapatay ang  Kraken. Winika ni Perseus  na si Hades ay mabubuhay ng walag hanggan ngunit hindi sa mundo ng mga tao, kaya’t ginamit niya ang armas ng Olymous na nagtapon kay Hades pagpunta sa mundo ng mga immortal at din a muling makikita pa.
Hiniling ni Andromeda kay Perseus na maging hari ng Argos dahil sa pagkakatanggol nito ngunit tumanggi ito. Inalok naming muli ni Zeus ang lugar nito sa Olympus para kay Perseus ngunit tinanggihan din niya ito. Binalaan na lamang na si Hades ay muling babalik upang   maghiganti kapag ang takot ng sangakatauhan ay muling lalakas.  Sa pagnanais na mag- isa ay pinili ni Perseus na  mabuhay sa mundo ng mga tao.                               

Sabado, Pebrero 12, 2011

Pagbabalik sa Nakaraan

Pagkatapos na pagkatapos ng pag-eensayo ng ng mga estudyanteng magsisipagtapos sa sekundarya ay mababakas sa kanilang mga mukha ang iba’t ibang madarama. Makikitang ang ila ay ay sobra ang kasiyahan sa pananabik na pagtatapos habang ang ilan naman ay nalulungkot sa pagkakahiwa- hiwalay nilang magkakaklase at sa panibagong pagharap ng mga pagsubok sa pagpasok sa kolehiyo at mangilan-ngilan lamang ang masasabimg walang pakialam at nararamdaman.
Parang isang iglap a nagpulasang lahat ang mga estudyante ng Dizon High. Tanging isang seksyon o grupo lamang ang nagnais at nagkaisang manatili muna ng ilang oras sa loob ng paaralan ng CLDDMNHS, ang Scyber Phoenix o mas kilala bilang IV- Science. Dahil iyon na ang huling araw ng pasukan nilang mga estudyante ay pinilit nilang sulitin ang mga natitirang oras upang sila’y magkasama-sama. Nagbalik- tanaw ang lahat mula sa apat na taong pagsasamahang walang makakapantay. Nabawasan man madagdagan ng mga kakalase ay walang nakapagpabago sa katauhan at pakikitungo ng bawat isa.
                Ito ang seksyon na binubuo ng iba’t ibang pagkatao, nagmamalasakitan, nagpapahalagahan, nagmamahalan at nagtuturingang parang tunay na magkakapatid. Ang pangkat na laging napapansin ng mga taong nagsisipagdaanan sa corridor dahil s malalakas na tawana kapag  nagkakabiruan na kung minsa’y nauuwi sa pikunan ngunit walang nagaganap na awayan. Ito ang di malamang seksyon kung dapat bang hangaan dahil sa taglay ng katalinuhan, kagalitan o kaya’y kainisan sa araw-araw na pag- iingay dahil sa awalng katapusang pagkukuwentuhan tungkol sa lovelife , crushes, inspirasyon, pagkakaibigan at iba pang mga trip. Di din malaman kung kailangang katuwaan ng mga gurong nagpipitagang magturo na minsa’y kailanagan pang bolahin at biruin upang di magklase, di matuloy ang pagsusulit  at aktibidades na kayhirap gawin. Maari din namang kayamutan sa madalas na kagugulong aoys ng mga silya at karunihan sa loob ng silid- aralan na kapag naman sininggahan ng kasipagan ay kulang nalang maging salamin na ang sahig sa sobrang kakintaban.
                Tumngo an gang magkakaklase sa oval at doon ipinagpatu;o yang paggunita sa kanilang sari- saring kasiyahan. Siabayan ng pagtugtog ng gitara ng mga kalalakihan. Isa- isang ginunita ang mga pangyayari mula ng sila’y nasa unang antas pa lamang sa sekundarya hanggang sa kasalukuyan.
                “Di ko makakalimutan sa pagsasamahan natin ay ang madalas na pagtatampuhanng bawat isa kapag kaibigan na ang pinag- uusapan. Masyado pa siguro tayong mga bata noon  kaya ganun ang nararamdaman ng bawat isa sa atin. Para bang isang batang paslit na kaagad- agad iiyak kapg inagawan ng paborito nilang laruan,” wika ni Hannah.
                “Oo nga naman, pero ibang- iba na tayo ngayon, sari- saring grupo ang nabuo. Andyan ang mga Kabulungan, KAsigawan, Triumvirate, Electro 5, Dark witches, samahan ng limang naggagandahang kababaihan tulad ko na madalas kagustuhan at lapitan ng mga kalalakihan upang makipagkilala,” nagmamalaking ani Danna.
                Lahat ay nagtawanan dahil sa kahit ganoong pagyayabang, walang nagkakainisan pagkat sanay na ang lahat.
                “Para naman sa akin, grupo na ata namin ang pinakanakakatuwa sa lahat, ang Dabardeafz, samahan ng  magkakaibigang nabibingi o kaya’y bingi talaga kung misan o kaya naman ay madalas,”ani Bella. “Paano ba naman magkakarinigan, eh kung ang iingay natin sa room?at saka tayo din kaya yung masyadong mga seryoso kapag nagkaproblema kaya nawawala sa konsentrasyon at madalas matulala,” ang pakli ni Divine na kasapi sa samahang nabanggit.
                “Siguro nga ganun kayo kaseryoso pero kapag dumating na ang piakamaingay na miyenbro na inyong grup,  ay naku!babaha na ng istorya  tungkol sa pangyayari sa kanyang buhay,” patawang sabi ni James.
                “Ako ba ang tinutukoy mo, James?” tanong ni Bella. “Ah hindi ha? Pero baka ikaw nga,sagot ni James sabay tawanan ng lahat.
                Nagmula man sa tatlumpu’t apat ang bilang sa klase noon, nabawasan dahil umalis ang apat at sa ibang paaralan nagpatuloy ng pag- aaral, noong isang taon, natanggal ang lima at napalipat ng ibang seksyon at ngayong dalawampu’t lima na lamang ay lalong pinagtibay ang bigkis ng pagsasamahan. Nagdadamayan sa oras ng kagipitan at kalungkutan.
                Minsan, dumating ang isang pangyayaring may di makalkapagbayd ng bayarin sa kanilang iskul, nagtulungan ang lahat upang makapag- ambag. Ganyan ang tunay na magkakapatid na magkakaibigan, laging handa’t nagkakaisa. Sabay tugtog ng gitara ng gitaristang sa Nico. Napasabay ang lahat ng tugtugin  ang pinakapaboritong kanta ng lahat, ang MAKAPILING KA.
                “Eh, pag- usapan naman natin ang mga kwentong pag- ibig sa klaseng ito,” sabi ni Natalie. Sabay sabi ng nakararani na “huwag na kang, kakahiya naman.” “Anla, hindi, ituloy na natin. Minsan lang naman mangyaring magkakasama tayong lahat,” sambit nito.
                “Ikaw muna, ikaw ang akaisip ay…” smbit ni Divine. “Siya- siya sige, alam ko namang di ako makakaiwas sa inyo sa mga tanong ninyo tungkol kay Elmer na naman. Ayo slang kami nun bilang magkaibigan. Ayoko kasing sasagutin ko siya tapos magkakahiwalay na din naman kaagad,” patapos ni Natalie.
                “Wow naman, ang bongga! pakli na Cathy. “Eh, ikaw Divine, kumusta naman nag buhay pag- ibig?” “Ah, ako. Ayos lang din tulad ni Natalie, matalik na  magkaibigan lang din kami ni Brian. Kayo lang naman ang gumagawa ng kalokohan at kabiruan sa akin,” wika ni Divine kay Cathy.
                “Ikaw naman Diane, magkwento ka naman dyan,” sabi ni Cathy. “Wala naman akong maikukuwento sa inyo .” “Meron yan, may nangyaring di makakalimutan’yan nung Araw ng mga Puso, dib a tama ako?” sambit ni Divine. “Ah, oo meron nga. Binati ako ni Bien noon, yun lang.” Sabay nagsabi n guy ang lahat at umamin si Divine na siya ang nagplano ng balak na iyon. “Ayos lang yun, napasaya  mo naman ako.”
                “Siya- siya,itigil na natin ang kwentuhang yan at baka makapag- asawa tayo ng maaga. “Tayo naming dumako sa mga di makalimutang pangyayari sa iskul, ako ang mangunguna,” ani Queenie. “Natatandaan ninyo pa ba ng tumakas tayo sa klase natin sa subject na A.P? kakatuwa tayo nun, dahil last subject na ay tinamad na tayong lahat na punasok. Nagalit si Ma’am kaya yun, araw- araw tayong may pagsusulit bago mag leksyon pero todo- todo naman tayo sa pag- aaral dahil ayaw ng bumagsak.”
                “Oo nga. Aba, si Ruth ata ang laging nangunguna sa may pinakamataas na grado dun. Daig pa niyan ang  libro, saulo ata lahat pati ang pahning ng mga leksyon,” pabirong sabi ni Cathy sabay tawa ni Ruth.
                “Ako, di ko naman makakalimutanang kagandahan, kaguwapuhan at kagalingan nating magkakalase. Animang sabakang paligsahan ay laging panalo. Mahihiyain man pero kapag pinasayaw mo at may lalabanan ay magsisipaglabasan ang talent. Kahit s pag- arte, tayo ata ang nag- aangkin ng mga magagaling na aktor at aktres ng Ibong Adarna at Florante at Laura. At higit sa lahat pag kantahan na ang labanan, yan agi tayong una dyan dahil sa angkin na golden voice basta’t magkakasama.
Umabot ang kwentuhan ng mga magkakaklase hanggang hapon at naglakad- lakad sa oval. Nagkayayaang maglaro ng paltok-bola. Takbo rito takbo roon. Parang bumalik mula sa pagkabata ang lahat. Nagtatawanan. Naghahabulan at nagsisigawan. Mayroong madarapa dahil sa bilis ng pagtakbo habang ang iba’y kahihinhing gumalaw. Matapos maglaro ay nagpahinga sa gitna ng berdeng damuhan ng oval. Nagsipaghigaan at at doon ay ninamnam ang kasiyahang kanilang natamo sa buhay ng pagiging estudyante sa hayskul. May nagkaiyakan at nagkayakapan sa pamamaalam sa bawat isa . Ito ang buhay na puno ng kasiyahan at at kalungkutan dahil sa pag- aaral, pag- ibig at pakikipagkaibigan.
IV- Science Batch' 2010- 2011
Cortesy of www.facebook.com
                Walang sukatang pagkakaibigan nagmula ng apat na taon sa hayskul na maikukumpara natin sa isang awitin na gaano man kaluma at kahaba ng panahong lmipas ay muli’t muling sasariwain tulad ng magkakaklase ito na para bang isang MUSIKA na di mawawalan ng tono sa puso ng bawat isa. Ito ang nag- iisang bagay na wala ng maipapantay sa pagsasamahang walang hangganan, ang pagkakaroon ng mga butihing kaibigan.