Ang Talambuhay ni Camille “Camz” B. Chozas, IV- Science
Noong ako'y sanggol |
Ang Aking Pamilya |
Bata pa nga siguro ako noon, lubos kong kinatatakutan ang mga aso at tuta. Masaya sana ako bababa sa hagdanan ng bahay ng aming Lola upang bumili ng matatamis na kendi nang mayroong humarang na tuta sa aking bababaan, napahakbang ako sa takot ng dalawang baiting sa hagdan pataas dahil sa tahol ng tuta at sa malas ay napasala ang aking tungtong. Dire- diretso akong nahulog pababa sa hagdan at sanhi nito ang pagkakaroon ko ng hiwa sa aking kanang tainga. Mula noon, naging maingat na ako sa mga aso upang di na mangyaring muli iyon.
Ako, si Niña, Teteth at ang aking Mama |
Ang aking Ate at Ako |
Nakakatuwa isipin na sa mura kong edad, naipahamak ko ang aking sarili dahil lamang sa di ako marunong umalam kung ang pagkain ay panis o hindi.
Mahirap din pala na mapasama sa mga taong may matataas na lebel ng pag- iisip, yun bang mga matatalino. Simula noong nasa ikalawa akong baitang. Natuto akong gumising ng madaling araw upang mag- aral dahil sa aking paniniwala na madaling makakapagsaulo ng mga aralin kapag fresh ang utak at pag- iisip natin.
Isa namang kagulat- gulat ang at nakalulungkot ang gumibal sa aming pamiya ng masunog ang bahay ng aking Lolo’t Lola, kung saan ako’y namamalagi. Nobyembre 24, 2004, nasa paaralan ako ng aking mabalitaan at makitang nasusunog na pala ang mga bahay, damay pati ang bahay namin pati na rin ang ilang mga pag- aari. Buti nalang may mga taong handang tumulong at bukas- loob na nagkaloob sa amin ng aming mga pangangailangan. Naranasan ko ang matulog kasama ang ibang tao sa loob ng silid-aralan ng paaralang malapit sa mga nasunog na bahay at napagtanto kong napakapalad pa rin namin dahil walang nasaktan sa naturang aksidente.
Graduation Day |
Matapos ang anim na taong paggugol sa elementaraya, isang panibagong buhay naman ang aking pinasok, buhay ng isang estudyante sa pampublikong paaralan sa hayskul.
Ang Blue Team |
Siyempre di din natin maiiwasan ang magkaroon ng mga hinahangaan sa iskul. Naku, si PJ na sa paningin ko ay sobrang guwapo ay naging crush ko, yun nga lang di ko na siya naging kaklase noong third year.
Nang magsecond year ako, napalapit ako kina Mariz, Claire, Bernadette, Maan at Reginae. Kami ang mga miyembro ng BLUE TEAM, sama- samang nagtutulungan at masayang lumalabas.
Sina Althea, Jorgina at Ako |
Hinding hindi ko makaklimutang ang naging kaklase kong si Jorgina. Ayaw man ng iba sa kanya dahil sa iba ang kanyang lahi ay hindi ito naging hadlang upang kami’y maging magkaibigan. Sa kanya ko lahat- lahat nasasabi ng aking mga problema. Ibinabahagi niya rin sa akin amg mga problema niya sa kanyang pamilya. Nang lumipat siya ng iskul na papasukan, na- realize ko na nakakamiss din pala siya.
Sa apat na taon kong pakikisama sa aking mga kaklase, wala akong masyadong naging malapit na kaibigang lalaki kundi tanging si Genard. Pebrero 14, 2009, masaya kaming nagdiwang ng isang Valentines party. Naging malapit ako kay WGV sapagkat kami ang naging magkapareha ng araw na iyon. Kakatuwa mang isipin ngunit siya pa rin ang naging first dance ko sa JS Prom namin noong 2010.
Masasabi kong ako ay ang taong palakaibigan, mapagmahal, masunurin sa mga magulang na kung minsan ay tamad, masayahin at maraming kalokohan ngunit minsan ay sobra ang katarayan. Sa kabila ng lahat ng ito, isa akong napakasipag na mag- aaral. Sa masayang bahagi ng buhay ko, nakatago ang kalungkutang nais kong maibsan. Lumaki akong nakahiwalay sa aking mga magulang. Lumaking iginugol ang lahat ng oras sa pag- aaral sa pagsusumikap na maiahon sa kahirapan ang aking pamilya na naging sanhi ng aking kapansanan sa likod.
Sabi ng doktor nang ako’y magpakonsulta, maaari raw na namana ko ito o kaya naman daw ay dahil sa aking sariling kapabayaan. Hindi na raw muling maibabalik sa dati ngunit maiiwasan ang paglaki ng kanang parte nito kung gagawin ko ang mga wasto at nararapat gawin. Ipinayo sa akin ng aking tiyahin na masmakakabuti kung tumigil muna ako sa pag- aaral ngunit ilang buwan na lamang noon ang natitira at malapit na akong magtapos ng hayskul. Hindi ako nawalan ng pag- asa at pinayagan nila akong maipagpatuloy ang aking pag- aaral. Naniniwala naman ako na hindi ako pababayaan ng Panginoon sa lahat ng oras at umaasang magkakaroon ng himala. Wala ng masamang umasa di ba?
Ang aking mga kaklase simula ng First Year |
Ngayong Fourth year, nakakilala ako ng ng mas maraming kaibigan bukod sa aikng mga kaklase. Naisip kong di lang pala dapat ako dumipende sa aking sarili kundi pati na rin sa ibang tao.
Hindi ko pinakamakakalimutan ang buhay ko sa S.Y. 2010- 2011. Ito ang panahong naging president ako n gaming klase upang mamuno sa mga di ko kasasawaang mga kakalse sa simula’t simula na kami’y naging magkakakilala, ang pagsasamahang nagpakilala sa bawat isa, ang walang sawang pag- iikot sa oval habang nagkukuwentuhan, ang paghahatid sa akin ng mga mahal kong kakalse sa gate na aking inuuwian at ang pagkakaibigang nagdadamayan na walang ibang makakapantay.
Graduation Picture |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento