Sabado, Pebrero 12, 2011

Pagbabalik sa Nakaraan

Pagkatapos na pagkatapos ng pag-eensayo ng ng mga estudyanteng magsisipagtapos sa sekundarya ay mababakas sa kanilang mga mukha ang iba’t ibang madarama. Makikitang ang ila ay ay sobra ang kasiyahan sa pananabik na pagtatapos habang ang ilan naman ay nalulungkot sa pagkakahiwa- hiwalay nilang magkakaklase at sa panibagong pagharap ng mga pagsubok sa pagpasok sa kolehiyo at mangilan-ngilan lamang ang masasabimg walang pakialam at nararamdaman.
Parang isang iglap a nagpulasang lahat ang mga estudyante ng Dizon High. Tanging isang seksyon o grupo lamang ang nagnais at nagkaisang manatili muna ng ilang oras sa loob ng paaralan ng CLDDMNHS, ang Scyber Phoenix o mas kilala bilang IV- Science. Dahil iyon na ang huling araw ng pasukan nilang mga estudyante ay pinilit nilang sulitin ang mga natitirang oras upang sila’y magkasama-sama. Nagbalik- tanaw ang lahat mula sa apat na taong pagsasamahang walang makakapantay. Nabawasan man madagdagan ng mga kakalase ay walang nakapagpabago sa katauhan at pakikitungo ng bawat isa.
                Ito ang seksyon na binubuo ng iba’t ibang pagkatao, nagmamalasakitan, nagpapahalagahan, nagmamahalan at nagtuturingang parang tunay na magkakapatid. Ang pangkat na laging napapansin ng mga taong nagsisipagdaanan sa corridor dahil s malalakas na tawana kapag  nagkakabiruan na kung minsa’y nauuwi sa pikunan ngunit walang nagaganap na awayan. Ito ang di malamang seksyon kung dapat bang hangaan dahil sa taglay ng katalinuhan, kagalitan o kaya’y kainisan sa araw-araw na pag- iingay dahil sa awalng katapusang pagkukuwentuhan tungkol sa lovelife , crushes, inspirasyon, pagkakaibigan at iba pang mga trip. Di din malaman kung kailangang katuwaan ng mga gurong nagpipitagang magturo na minsa’y kailanagan pang bolahin at biruin upang di magklase, di matuloy ang pagsusulit  at aktibidades na kayhirap gawin. Maari din namang kayamutan sa madalas na kagugulong aoys ng mga silya at karunihan sa loob ng silid- aralan na kapag naman sininggahan ng kasipagan ay kulang nalang maging salamin na ang sahig sa sobrang kakintaban.
                Tumngo an gang magkakaklase sa oval at doon ipinagpatu;o yang paggunita sa kanilang sari- saring kasiyahan. Siabayan ng pagtugtog ng gitara ng mga kalalakihan. Isa- isang ginunita ang mga pangyayari mula ng sila’y nasa unang antas pa lamang sa sekundarya hanggang sa kasalukuyan.
                “Di ko makakalimutan sa pagsasamahan natin ay ang madalas na pagtatampuhanng bawat isa kapag kaibigan na ang pinag- uusapan. Masyado pa siguro tayong mga bata noon  kaya ganun ang nararamdaman ng bawat isa sa atin. Para bang isang batang paslit na kaagad- agad iiyak kapg inagawan ng paborito nilang laruan,” wika ni Hannah.
                “Oo nga naman, pero ibang- iba na tayo ngayon, sari- saring grupo ang nabuo. Andyan ang mga Kabulungan, KAsigawan, Triumvirate, Electro 5, Dark witches, samahan ng limang naggagandahang kababaihan tulad ko na madalas kagustuhan at lapitan ng mga kalalakihan upang makipagkilala,” nagmamalaking ani Danna.
                Lahat ay nagtawanan dahil sa kahit ganoong pagyayabang, walang nagkakainisan pagkat sanay na ang lahat.
                “Para naman sa akin, grupo na ata namin ang pinakanakakatuwa sa lahat, ang Dabardeafz, samahan ng  magkakaibigang nabibingi o kaya’y bingi talaga kung misan o kaya naman ay madalas,”ani Bella. “Paano ba naman magkakarinigan, eh kung ang iingay natin sa room?at saka tayo din kaya yung masyadong mga seryoso kapag nagkaproblema kaya nawawala sa konsentrasyon at madalas matulala,” ang pakli ni Divine na kasapi sa samahang nabanggit.
                “Siguro nga ganun kayo kaseryoso pero kapag dumating na ang piakamaingay na miyenbro na inyong grup,  ay naku!babaha na ng istorya  tungkol sa pangyayari sa kanyang buhay,” patawang sabi ni James.
                “Ako ba ang tinutukoy mo, James?” tanong ni Bella. “Ah hindi ha? Pero baka ikaw nga,sagot ni James sabay tawanan ng lahat.
                Nagmula man sa tatlumpu’t apat ang bilang sa klase noon, nabawasan dahil umalis ang apat at sa ibang paaralan nagpatuloy ng pag- aaral, noong isang taon, natanggal ang lima at napalipat ng ibang seksyon at ngayong dalawampu’t lima na lamang ay lalong pinagtibay ang bigkis ng pagsasamahan. Nagdadamayan sa oras ng kagipitan at kalungkutan.
                Minsan, dumating ang isang pangyayaring may di makalkapagbayd ng bayarin sa kanilang iskul, nagtulungan ang lahat upang makapag- ambag. Ganyan ang tunay na magkakapatid na magkakaibigan, laging handa’t nagkakaisa. Sabay tugtog ng gitara ng gitaristang sa Nico. Napasabay ang lahat ng tugtugin  ang pinakapaboritong kanta ng lahat, ang MAKAPILING KA.
                “Eh, pag- usapan naman natin ang mga kwentong pag- ibig sa klaseng ito,” sabi ni Natalie. Sabay sabi ng nakararani na “huwag na kang, kakahiya naman.” “Anla, hindi, ituloy na natin. Minsan lang naman mangyaring magkakasama tayong lahat,” sambit nito.
                “Ikaw muna, ikaw ang akaisip ay…” smbit ni Divine. “Siya- siya sige, alam ko namang di ako makakaiwas sa inyo sa mga tanong ninyo tungkol kay Elmer na naman. Ayo slang kami nun bilang magkaibigan. Ayoko kasing sasagutin ko siya tapos magkakahiwalay na din naman kaagad,” patapos ni Natalie.
                “Wow naman, ang bongga! pakli na Cathy. “Eh, ikaw Divine, kumusta naman nag buhay pag- ibig?” “Ah, ako. Ayos lang din tulad ni Natalie, matalik na  magkaibigan lang din kami ni Brian. Kayo lang naman ang gumagawa ng kalokohan at kabiruan sa akin,” wika ni Divine kay Cathy.
                “Ikaw naman Diane, magkwento ka naman dyan,” sabi ni Cathy. “Wala naman akong maikukuwento sa inyo .” “Meron yan, may nangyaring di makakalimutan’yan nung Araw ng mga Puso, dib a tama ako?” sambit ni Divine. “Ah, oo meron nga. Binati ako ni Bien noon, yun lang.” Sabay nagsabi n guy ang lahat at umamin si Divine na siya ang nagplano ng balak na iyon. “Ayos lang yun, napasaya  mo naman ako.”
                “Siya- siya,itigil na natin ang kwentuhang yan at baka makapag- asawa tayo ng maaga. “Tayo naming dumako sa mga di makalimutang pangyayari sa iskul, ako ang mangunguna,” ani Queenie. “Natatandaan ninyo pa ba ng tumakas tayo sa klase natin sa subject na A.P? kakatuwa tayo nun, dahil last subject na ay tinamad na tayong lahat na punasok. Nagalit si Ma’am kaya yun, araw- araw tayong may pagsusulit bago mag leksyon pero todo- todo naman tayo sa pag- aaral dahil ayaw ng bumagsak.”
                “Oo nga. Aba, si Ruth ata ang laging nangunguna sa may pinakamataas na grado dun. Daig pa niyan ang  libro, saulo ata lahat pati ang pahning ng mga leksyon,” pabirong sabi ni Cathy sabay tawa ni Ruth.
                “Ako, di ko naman makakalimutanang kagandahan, kaguwapuhan at kagalingan nating magkakalase. Animang sabakang paligsahan ay laging panalo. Mahihiyain man pero kapag pinasayaw mo at may lalabanan ay magsisipaglabasan ang talent. Kahit s pag- arte, tayo ata ang nag- aangkin ng mga magagaling na aktor at aktres ng Ibong Adarna at Florante at Laura. At higit sa lahat pag kantahan na ang labanan, yan agi tayong una dyan dahil sa angkin na golden voice basta’t magkakasama.
Umabot ang kwentuhan ng mga magkakaklase hanggang hapon at naglakad- lakad sa oval. Nagkayayaang maglaro ng paltok-bola. Takbo rito takbo roon. Parang bumalik mula sa pagkabata ang lahat. Nagtatawanan. Naghahabulan at nagsisigawan. Mayroong madarapa dahil sa bilis ng pagtakbo habang ang iba’y kahihinhing gumalaw. Matapos maglaro ay nagpahinga sa gitna ng berdeng damuhan ng oval. Nagsipaghigaan at at doon ay ninamnam ang kasiyahang kanilang natamo sa buhay ng pagiging estudyante sa hayskul. May nagkaiyakan at nagkayakapan sa pamamaalam sa bawat isa . Ito ang buhay na puno ng kasiyahan at at kalungkutan dahil sa pag- aaral, pag- ibig at pakikipagkaibigan.
IV- Science Batch' 2010- 2011
Cortesy of www.facebook.com
                Walang sukatang pagkakaibigan nagmula ng apat na taon sa hayskul na maikukumpara natin sa isang awitin na gaano man kaluma at kahaba ng panahong lmipas ay muli’t muling sasariwain tulad ng magkakaklase ito na para bang isang MUSIKA na di mawawalan ng tono sa puso ng bawat isa. Ito ang nag- iisang bagay na wala ng maipapantay sa pagsasamahang walang hangganan, ang pagkakaroon ng mga butihing kaibigan.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento